Pages

Thursday, December 22, 2011

Dalaw ni GMA

Isang istorya ng DALAW ni GMA!!!

Lucifer: Hello GMA, malapit na ang pasko, napadalaw ako dahil ipinaaala-ala ko sayo na isasama na kita sa aking kaharian!!
GMA: Naku paano yan, hinde pa ako handa eh, marami pa akong gagawin
Lucifer: eh wala akong magagawa kasi numero uno ka sa aking listahan
GMA: Ganun? okay, bago mo ako isama ay halika muna at tayo ay magmiryenda
Lucifer: O, sige, tutal malapit na ang pasko ay pagbibigyan kita.

At nagmiryenda nga ang mag-amo. Nguni't di alam ni Lucifer na nilagyan ni GMA ng maraming sleeping pills ang pagkain ni Lucif at nakatulog ng mahimbing si Lucifer.  Sinamantala naman ni GMA ang pagkakataon at kinuha niya ang listahan ni Lucif, kaagad binura ang kanyang pangalan sa unahan at inilagay sa hulihan ng listahan. 

Maya-maya ay nagising na si Lucifer.

Lucifer: Hayyyy, nakatulog pala ako. GMA, nabatid ko na isa ka palang mabait (kuno) ay napag-isip-isip ko na ang uunahin kong kunin ay iyong nakatala sa hulihan ng aking listahan........!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...